Anika’s POV Nakahiga ako ngayon sa hospital bed, habang ramdam ko pa rin ang pananakit ng aking tiyan. Pinipilit kong maging kalmado, kahit na kinakabahan na ako. Lalo na ngayon, sila Manang Ella lang ang kasama ko dito. Hawak-hawak niya nga ang kamay ko. Paulit-ulit akong pinapakalma. “Senyorita, huwag kang masyadong mag-alala. Normal lamang siguro ‘yan sa pagbubuntis mo,” mahinang sabi niya sa akin. Alam kong pinapakalma lang niya ako. Halata ko rin ang tensyon sa kaniyang mga mata. Sabay kaming napalingon ng pumasok ang doctor. Lumapit ito sa akin kaya naman lumayo ng kaunti sa akin si Manang. Sinuri nito ang tiyan ko. Ni-check niya rin ang aking blood pressure, temperature at pulse rate. "Kailan nagsimula ang sakit?" tanong ng doctor. "K-kanina lang po, Doc." "Wala naman sigu

