"Mommy..." niyakap ko kaagad si Mommy ng pagbuksan niya ako ng pinto. Gulat na gulat at hindi natuloy ang pagsasalita dahil bigla ko na lang siyang niyakap. "A-Anika, b-bakit ka umiiyak?" tanong niya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. "Mommy, please...payakap po muna." Hinaplos niya ang likod ko tsaka gumanti ng yakap sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Ano bang problema? Bakit ka umiiyak?" mahinahong tanong niya sa akin. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung paano ko sabihin sa kaniya ang nangyari. Paano ko sasabihin na mayroong anak sa ibang babae si Zeke. "Halika, umupo tayo sa sofa. Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari. Huwag mo akong pag-isipin kung anong nangyayari sa 'yo." Hinila niya ako patungo sa sala.

