Payapa Hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin. Lumalamang ang lungkot sakin na makita na ganon' ang aking pinsan. Mahigpit ang hawak sakin ni Faustino habang hila hila niya ako patungo sa aming kuwarto. Pagbukas ng aming kuwarto ay hindi ko alam ang gagawin kaya basta basta nalang akong umupo sa kama. Siya naman ay umiigting ang panga, nakapamaywang na nakatitig sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "We're done three years ago!" paliwanag nito sakin kahit hindi ko naman siya tinatanong. Halatang lasing siya. "Mahal na mahal ka talaga ni Genevive Faustino," namamaos ang aking boses dahil narin sa pagod ng biyahe at sa antok. Namumula ng bahagya si Faustino. Hindi ko maiwasan na lalong mamangha. Namamangha ako sa lahat lahat. Naninibago rin ako sa mga nangyayari. Hindi ako sanay sa ga