Ginger Kabado ako sa airport palang. Paglapag palang namin kanina ay walang kupas na ang pagtawag ni nanay sa aking cellphone. Hindi ako sanay. Sa mga hawak palang ni Faustino sa akin ay hindi na ako sanay. Ewan ko kung bakit maraming napapatingin sa amin. Mayroon ring sumalubong kay Faustino na apat na nakauniporme. "Walter, make sure everything is all set when I get home." "Noted Mr. Grey." "Call me if there's a problem." Dagdag ni Faustino bago naglaho si Walter at tatlo nalang ang nag escort at nagbitbit ng aming mga dala. "Ava! Tawagan mo nalang ako mamaya ha? Mauna na ako." bumeso beso sakin si Vicco at nilapitan si Faustino. "Papiga fafa.." piniga piga nito ang braso ni Faustino. Nagkasalubong ang kilay ni Faustino at tinaliman ng tingin si Vicco. "Hay! Ang tigas! Gu