bc

The Governor's Young Wife

book_age18+
12.9K
FOLLOW
148.7K
READ
billionaire
contract marriage
HE
age gap
opposites attract
powerful
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

She was 18. He was 28.

Amanda Cruz was forced into an arranged marriage with Governor Kian Herrera—the most powerful man in San Nicolas.

She’s a party girl. A spoiled brat. Addicted to trouble.

He’s a disciplined politician. And he hates her.

Now they’re married.

Living under one roof. Sleeping in one bed.

He said he’d never fall for her.

So why is he the one carrying her home every time she’s drunk?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sinong susundo sa ‘yo?" Mahina ang boses ni Molly. Nanginginig. Nakaupo silang dalawa sa plastik na upuan sa loob ng presinto. Magkadikit ang tuhod. Ang upuan, malamig at madulas sa pawis. Ang sahig, may mantsa ng suka at putik. Ang hangin, amoy kulungan—pawis ng lalaki, lumang sigarilyo, at pancit canton. Nadamay na naman sila sa riot. Hindi sila kasali. Naroon lang sila sa party nang biglang maghagisan ng bote. Pagdating ng mga pulis, lahat ng kabataan sa loob, dinala. Kasama sila ni Molly na naka-crop top at palda, may glitters pa sa pisngi na ngayon ay humahalo na sa pawis. "I don’t know," sagot ni Amanda. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok. Lagkit na. Amoy usok at alak. May pink na confetti pang nakasabit. "Baka i-ground na ko ni Daddy nito," sabi ni Molly habang kinakagat ang kuko. "Third time na ‘to this year." "Ako din," bulong ni Amanda. Nagyuko siya. 1:17 AM na sa orasan sa pader. Sabi niya kay Mommy, “Group study lang, Ma. Uwi ako 10 PM.” Tiyak galit na si Daddy. Baka kunin ang susi ng kotse. Baka sunugin ang mga painting niya. Ramdam ni Amanda ang mga tingin ng mga pulis. Maiksi ang suot nila. Ang crop top niya, may nakasulat na Brat. Halos lahat ng nasa presinto ay lalaki. Ang mga mata nila, dumidikit sa balat niya. Sa hita ni Molly. Sa cleavage nilang dalawa. Naunang dumating ang Daddy ni Molly. Hinablot lang si Molly sa braso. Halos kaladkarin palabas. Hindi na nakapagpaalam si Molly. Padabog na sumara ang pinto. Ang tunog, umalingawngaw sa dibdib ni Amanda. Siya na lang mag-isa. 1:18 AM. Sampung minuto lang mula sa subdivision nila. Bakit wala pa si Daddy? May umupo sa tabi niya. Pulis. Matanda. Lukot ang uniporme. Amoy sigarilyo at lumang alak ang hininga. "Miss, taga-sa’n ka?" Ngumiti. Naninilaw ang ngipin. Dumikit ang tuhod nito sa tuhod niya. Hindi sumagot si Amanda. Tumayo siya at lumipat ng upuan. Sa tabi ng basurahan. Amoy panis na mangga at suka. Pero mas malayo sa hininga ng matanda. May ingay mula sa entrance. Nagsitayuan ang mga pulis. Sumaludo. Sabay-sabay. Sumilip si Amanda. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaking bagong dating. Bakit sa kanya nakatuon ang mga mata nito? Bakit ito naglalakad palapit? Si Governor Kian Herrera. Ang Governor ng bayan nila. Matalik na kaibigan ng Daddy niya ang pamilya ni Gov. Kian. Magkakilala sila, pero hindi close. Mas may edad ito. Eighteen pa lang siya. "Amanda," tawag ni Gov. Kian. Napatuwid siya ng upo. "Governor," bulong niya. Gwapo si Gov. Kian. Matangkad. Lalaking-lalaki ang dating. Tama lang ang kulay ng balat. Malakas ang appeal. "Let's go, Amanda. Pinasusundo ka ng Daddy mo," sabi ni Gov. Kian. "Ah?" Napanganga siya. "Bakit..." Bakit siya ipasusundo ng Daddy niya kay Gov. Kian? Ganoon na ba ka-busy si Daddy para ang Governor pa mismo ang magsundo sa kanya? "Where is my Dad?" Tumingin siya sa gwapong Governor. Kulay kape ang mga mata nito. Malalim. Matangos ang ilong. Mamula-mula ang labi. Perfect ang aura ng mukha ni Gov. Kian. Kung hindi ito nasa pulitika, pwede itong mag-artista. Tiyak na pagkakaguluhan. Isama pa ang katawan. Tama ang lapad ng dibdib. Matangkad. Kailangan niyang tumingala. "Wala ang Daddy mo," sagot ni Gov. Kian. "Kaya nakisuyo siya sa akin na sunduin ka rito." Wala itong ekspresyon sa mukha. Hindi niya malaman kung okay lang ba rito na sunduin siya, lalo na't madaling araw na. "Nasaan siya?" tanong ni Amanda. Hindi ito agad kumibo. Sinulyapan siya nito. Dahan-dahang pinaglandas ang mga mata sa kabuuan niya. Naging awkward ang sitwasyon. Obvious ang pagsulyap nito. Revealing ang suot niya—pang-party with glitters pa. Medyo nakalabas ang cleavage niya. Sa edad niyang eighteen, naka-develop na ang katawan niya. May kalakihan ang dibdib kahit hindi siya mataba. Lumingon-lingon si Gov. Kian sa paligid. Tiningnan ang mga pulis na nakakalat. Humugot ng malalim na paghinga at iniling ang ulo saka hinubad ang suot nitong itim na jacket. "Wear this," sabi ni Gov. Kian. Ipinatong nito ang jacket sa balikat niya at inayos ang harapan na para bang nais nitong takpan ang sumisilip niyang cleavage. "We need to go," sabi nito. Hindi nakakibo si Amanda. Hindi niya napigilang pagmasdan ang malapad nitong dibdib sa suot nitong puting t-shirt. Plain lang. Walang tatak. Pero halatang mamahalin ang tela. Lapat sa katawan. Bakas ang matipuno nitong dibdib. Para bang ang sarap haplusin. Napakasimple lang manamit ni Gov. Kian pero nagsusumigaw ang kagwapuhan at appeal nito. Tahimik siyang sumunod kay Gov. Kian palabas ng presinto. Marami pang pulis ang sumaludo rito. Nakipagkamay pa si Gov. Kian sa hepe. Hindi niya malaman ang mararamdaman. Imagine, Governor pa ng kanilang bayan ang naglabas sa kanya sa presinto. Paglabas sa parking lot, tumigil si Amanda. Nakatayo sa tapat nila ang isang itim na Porsche Cayenne. Makinis. Makintab. Kahit madilim, kumikislap sa ilaw ng poste. Walang plaka sa harap. Governor's car. Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa passenger side. Ang kinagulat niya ay mag-isa lang si Gov. Kian. Wala itong kasamang driver o bodyguard. Madaling araw na. Hindi safe. "Sumakay ka na," sabi ni Gov. Kian. Mahina pero may diin. Nang makasakay siya, ito na rin mismo ang nagsara ng pintuan. Tahimik sa loob. Amoy bagong leather at ang mamahaling pabango ni Gov. Kian. Malamig ang aircon. Malinis. Walang kalat. Umikot ito pasakay sa driver’s seat. Bumati pa si Gov. Kian sa pulis sa parking lot bago isinara ang pinto. Pinaandar na nito ang sasakyan. Walang ingay ang makina. Sobrang smooth. Hindi napigilan ni Amanda na sulyapan ito. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita nang malapitan si Gov. Kian. Napakagwapo pala nito. Makinis ang mukha. Napakalinis tignan mula ulo hanggang paa. Isama pa ang mamahaling amoy nito. Ang swerte siguro ng girlfriend nito. Tiyak pang-beauty queen ang ganda. "Amanda," tawag nito. Napapitlag siya. Masyado siyang titig na titig sa mukha ni Gov. Kian. "Tinatanong mo kanina kung nasaan ang Daddy mo," sabi ni Gov. Kian. Ang mga kamay, mahigpit sa manibela. May suot na silver na relo. Mamahalin din. "Ah... Yeah," sagot niya at tumingin sa kalsada. Madilim na ang paligid. Buti na lang may ilaw sa bawat poste. Salamat kay Gov. Kian syempre. "Pinakiusapan lang ako ng Daddy mo na sunduin ka sa presinto," sabi nito. Nagyuko si Amanda. Nahiya. Nakakahiya naman talagang magpasundo sa presinto. Para siyang kriminal. "Bakit ikaw? Nasaan ba si Daddy?" tanong niya. "Sumama ang pakiramdam ng Mommy mo. Sinugod siya sa ospital," sagot ni Gov. Kian. "Ano?!" bulalas niya. "Saang ospital siya dinala?" "Doon na kita ihahatid," sagot nito. Napakagat-labi si Amanda. Kasalanan niya. Nag-iisang anak na nga lang siya, puro sakit pa ng ulo ang binibigay niya. Narating nila ang Herrera Hospital. Private hospital na pagmamay-ari din ng pamilya ni Gov. Kian. Nauna siyang bumaba. Tutuloy na sana siya sa loob nang maalala niyang hindi niya alam ang room number ng Mommy niya. Hinintay niya si Gov. Kian at sabay silang pumasok. Umaagaw ng atensyon si Gov. Kian sa mga taong naroon. Kung bakit naman kasi ang gwapo nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook