Hindi niya naiwasang matawa habang hila-hila siya ni Kian papasok sa loob ng VIP room na sinasabi ng kaibigan nito na bakante. Natatawa siya kase pansin niyang nais siyang itago ni Kian sa mga kaibigan nito, hindi nito nais na makita siya sa ganoong kasuotan. Pansin rin niyang halos itago siya nito kanina sa likuran niya nang lumabas ang kaibigan nito. Ayaw niyang umasa pero pakiramdam niya pinoprotektahan siya ni Kian sa mga lalake. Lalo na sa mga lalake sa ibaba kanina nang sumayaw siya roon. Well ginawa niya ang magsayaw sa ibaba para makuha ang atensyon ni Kian. Masyado kasi itong busy sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nito kaya naman sinabi na niyang na bo-bored na siya kaya nais niyang bumaba para mag enjoy. Nainis naman siya lalo kay Kian sa kawalang pakialam nito sa kanya dah