"Are you looking for Amanda, your wife, Mr. Governor?" Habol sa kanya ni Molly kaya naman napilitan siyang huminto sa paglalakad at lingunin ito. "Nadaanan ko siya malapit sa parking kausap si Lyke Quirino one of her suitor,' Molly said to her. Masamang tingin ang pinukol niya kay Molly at mabilis na nagtuloy sa paglalakad para hanapin na ang asawa sa parking lot na sinasabi ni Molly. Hindi nga nagsisinungaling si Molly naroon nga ang asawa niya at kausap si Lyle. Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Lyle, dahil maraming beses na silang nagharap ng lalake, at kahit walang sabihin si Amanda sa kanya alam niyang may gusto ang lalaking iyon sa asawa niya. "Amanda," tawag niya sa asawa habang nakikipag kwentuhan kay Lyle. Nakangiti pa nga ito pati rin si Lyle nakangiti. Hindi niya nagustuh

