"So you mean, kayo ang may-ari ng hotel na ito?' Tanong niya kay Lyle habang nagkakape sila nito at nasa kabilang mesa naman ang tatlong security niya, nilibri na rin ni Lyle ang tatlo ng kape habang nagbabantay sa kanya. Sumama na siyang magkape kay Lyle kahig medyo alangan siya dahil baka magalit sa kanya ang asawa. Hangga't maaari pa naman ayaw niyang magalit ang asawa sa kanya. Iyon nga lang hindi niya natanggian si Lyle, alam naman kasi niyanv mabait ito hindi siya gagawan ng masama, isama pang may tatlong security na nakasunod sa kanya. "Sa Dad ko," tugon ni Lyle sa kanya. "Yeah, and ikaw ang nag-iisang anak nila kaya walang duda na ikaw ang magmamana sa hotel na ito," she said at humigop sa mainit na kape. Alam niyang mayaman ang pamilya ni Lyle, hindi lang niya expected na may

