"Pasensya na po talaga Ma'am pinagbilin po kayo sa akin ni Sir Kian, kung aalis po kayo baka ako naman po ang mawalan ng trabaho," siyang alibi na naman ng kasambahay ni Kian sa kanya sa pamimilit pa rin niyang makaalis ng bahay ni Kian at umuwi na sa kanila. Tumawag na nga siya sa Mommy at Daddy niya para sana magpasundo pero nagulat pa siya sa naging tugon ng mga ito na hintayin niya si Kian. Hindi na tuloy niya alam kung ano ang iisipin niya sa mga magulang at kay Kian, para bang may alam ang mga magulang niya at si Kian na hindi niya alam, lalo na ang Daddy niya na napaka kalmado lang ng sinabi niyang nasa bahay pa siya ni Governor Kian at nais na niyang magpasundo. Masyado na siyang nahihiwagaan sa mga nangyayari. "Pero Manang mag gagabi na po at wala pa ang Sir mo," inis na niyang t