"Amanda, pinapatawag ka raw sa Dean's office." tawag sa kanya ng professor nila nang habang nagkaklase sila ay dumating ang isang staff ng university at may sinabi sa professor nila at siya pala ang pinapatawag sa Dean's office. "Ako po?" Nagtatakang tanong niya nang tumayo mula sa kinauupuan at pinagtinginan siya mga ka eskwela niya pati na si Molly na nakataas pa nga ang kilay. "Yes, Amanda ikaw kakausapin ka daw ng Dean," tugon ng professor sa kanya. Nagtataka man siya kung bakit kailangan pa siyang kausapin ng Dean nila ay nagpunta pa rin siya sa Dean's office. Pagdating sa pasilyo kung saan ang opisina ng Dean nila napansin niyang may tatlong nakaunipormeng lalake ang nakatayo malapit sa pintuan. Sa uri ng uniporme at tindig ng tatlo at mukhang mga Security ito. Marahil may in esc

