"Are you ok, Amanda?' He asked habang nasa biyahe na sila ni Amanda patungo sa bar ng kanyang kaibigan na si Akio. Opening kasi kaya nahihiya siyang tanggian ang kaibigan kahit medyo busy siya sa kaliwat-kanan niyang trabaho sa munisipyo pati na sa ilang negosyo. Wala siyang balak isama si Amanda sadyang napikon lang siya sa ugali ng dalaga na napaka tapang at tila walang inuurungan ito. Kaya naman nais niyang malaman kung hanggang saan ang tapang ni Amanda sa kanya. Aware naman siya na palaban si Amanda lalo na pagdating sa mga lalake, kaya naman nais niyang subukan ito kung tatagal ito sa kanya. Although kanina napansin naman niyang halos hindi na makapagsalita pa si Amanda sa kanya, halata din naman niya na kabado ito at naroon ang takot rito. Iyon nga lang sadyang nagtatapang-tapangan