Kinabukasan maaga siyang nagising o baka naman hindi siya nakatulog magdamag kaya naman 5:30AM pa lang bumangon na siya sa kanyang higaan at naghilamos na para bumaba na. Kailangan kasi niya ng kape para magising ang kanyang inaantok pang diwa. Paglabas niya ng guest room sinulyapan niya ang saradong pintuan ng silid ni Kian. Marahil tulog pa ang binata hanggang ngayon, maaga pa kasi. Alam niyang umalis kagabi si Kian nang hindi nagpapaalam sa kanya at iniwan siya nito mag-isa sa loob ng bahay nito, although marami namang tauhan sa labas ng bahay si Kian, tanging mga kasambahay lang ang wala. Nasa may veranda siya nang umalis si Kian kaya nakita niya ito, at alam din niya na halos malalim na ang gabi ng dumating ito, narinig kasi niya ang sasakyan nito kaya naman napatayo siya mula sa pa