Naunang lumakad si Kian sa kanya patungo sa pintuan ng kanyang silid, habang nanatili pa rin siyang nakatayo sa kinatatayuan niya at nakasunod ng tingin kay Kian. "Amanda, ano pang tinatayo-tayo mo diyan. Halika na at baka kung saan pa umabot ang usapan na ito," wakang ekspresyong saad sa kanya ni Kian. "Hindi mo naman siguro gugustuhin na umakyat pa ang kasambahay niyo para tawagin ka at makita ako sa loob ng silid mo,' patuloy pa nito sa kanya. "Oo na," tanging tugon niya rito at inikot ang mga mata para ipakita na naiinis siya rito. Well, nakakainis naman talaga ito, wala na itong ginawa kundi ang tanggian siya at ipahiya sa kanyang mga aksyon. Masyado itong masungit at matigas sa kanyang mga pang-aakit at naiinis siya ng sobra rito. Kapwa sila walang kibuan habang pababa sila ng