Matapos ang huling subject niya nagmamadali siyang lumabas ng classroom para makauna na sa paglabas ng gate at nang hindi na pumasok pa si Kian at mga SG nito sa loob ng campus. Nais niyang iwasan munang mapag-usapan sila ng asawa sa university lalo na't galit na galit si Molly sa kanya at nasaktan pa niya si Lyle ng hindi sinasadya. "Hi, Amanda," bati sa kanya ng mga nakakasalubong niya. Ngumiti naman siya at bumati sa rin sa mga ito at lalo pang binilisan ang paglalakad dahil bawat madaanan niya ay tinitignan siya. Famous naman siya dati pa at marami na talagang tumitingin sa kanya at bumabati rin na nais makipag kaibigan sa kanya. Pero iba na ngayon, alam niyang si Kian ang dahilan ngayon. "Sh*t!" Mura niya at natigilan sa paglalakad nang makitang naka park sa loob ng campus ang mga s