"Ano?! Anong klaseng pabor naman iyang hiningi nila sa iyo? Bakit kailangan mong pakasalan ang anak nila!" Bulalas ni Harold nang magsabi siya sa kaibigan ng kanyang matagal ng iniisip at hindi mapag desisyunan kaya naman dumayo na siya sa kabilang bayan kung saan nanunungkulan si Harold bilang Mayor ng bayan ng Sta Lucia na sakop din naman niya katulad ng bayan ng San Nicolas. "Baka naman nais ka lang talaga nilang ma hook para sa anak nila kaya ganyan na lang kung magmakaawa sa iyo," saad pa ng kaibigan sa kanya. "Naguguluhan na nga ako pare, hindi ko na alam ang gagawin ko. Buong buhay ko ngayon pa lamang ako nahirapan mag desisyon ng ganito," tugon niya. Iyon naman kasi ang totoo mula nang makausap niya si Mr. Cruz about kay Amanda hindi na nawala sa isip niya ang kahilingan ni Mr.