"Amanda!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Kian nang makalabas siya sa may hardin. Nang magtatakbo siya palabas ng komedor para iwasan ang mga magulang niya na nawawala na yata sa katinuan nagtuloy siya sa labas ng kanilang bahay para sumagap ng sariwang hangin, pakiramdam kasi niya hindi siya makahinga kanina habang kaharap ang mga magulang at si Kian. Masyado rin siyang naguguluhan sa mga nangyayari, marami siyang hindi naiintindihan sa naging takbo ng usapan sa hapag kainan, natutuliro siya at para na siyang nababaliw sa kaiintindi kung bakit siya pinasasama ng mga magulang niya sa bahay ni Kian, at kung bakit nais ng mga ito na maikasal siya kay Kian. "Patawarin ako ng mga tao sa bayan na ito Kian, pero f*ck you! F*ck you, Kian! F*ck you!" Sigaw na mura niya sa binata na sumunod pala