"Tiyak na tataas ang ratings mo bilang batang gobernador sa buong Pilipinas dahil sa patuloy mong paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan," saad sa kanya ng ama nang gabing magtungo siya sa bahay ng mga magulang para doon mag dinner. Tumawag kasi ang Mama niya kaninang umaga at namimiss daw siya nito kaya naman nagsabi siyang sa bahay ng mga ito siya mag dinner. Mula nang makagraduate siya sa kolehiyo pinili na niyang humiwalay ng tirahan sa mga magulang niya. Nagsimula siya sa condo hanggang sa nagkaroon siya ng sapat ng pera para makapag patayo ng sarili niyang bahay mula sa sarili niyang pera na pinaghirapan talaga niya. Bente singko anyos na siya nang tuluyan siyang magkaroon ng sariling bahay, at ngayon bente otso na siya kaya naman matagal-tagal na rin siyang nakahiwalay sa mga