Hindi niya inasahan na naghihintay sa kanya ang maganda niyang asawa, at lalong hindi niya inasahan na naghanda pa pala ito dinner para sa kanila. Naging busy siya masyado kanina sa trabaho niya kaya hindi natupad ang pinangako niyang dinner sa asawa. May balak naman siyang bumawi rito iyon nga lang hindi pa siya sigurado kung kailan siya magkakaroon ng oras para mailabas ang asawa at makapag dinner silang dalawa. Kung alam lang din niyang naghihintay sa kanya ang asawa di sana binilhan muna niya ito ng bouquet ng bulaklak. Ang bulaklak na binili kasi niya para rito kagabi ay hindi niya naibigay dahil nagalit siya sa asawa sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Anyway kasalanan naman niya dahil hindi niya tinawagan ang asawa kanina. Nahihiya kasi siyang tawagan ito at sabihin na hin

