"Wait, hindi naman ito ang daan pauwi ng bahay,' saad niya kay Kian nang mapansing iba ang tinatahak nilang daan pauwi. "May pupuntahan pa tayo, Amanda hindi pa tayo uuwi?" Tugon sa kanya ng asawa. "Saan?" She asked. "Mag dinner muna tayo," nakangiting tugon sa kanya ng asawa nang sulyapan siya nito. "Dinner?" Tanong niya habang pilit na tinatago ang kanyang kilig. Sa dami na ng kanyang naka date before kay Kian lang naman siya kinilig ng ganito. "Yes, sweetheart. Nais kong bumawi sa nangyaring kagabi, hindi kasi natuloy ang dinner natin," saad ng asawa sa kanya sabay hawak pa sa kamay niya at hinalikan iyon bagay na lalong nagpakilig sa kanya. Tama nga ang naisip niya, malaki ang epekto ng pagpapaligaya niya sa asawa kagabi. Ibang-iba na kasi ang dating ng asawa sa kanya ngayon, muk

