"Bakit andito si Dra. Lira?" Kunot noong tanong sa kanya ni Amanda nang makita nila sa may entrance si Dra. Lira. Kumaway pa nga sa kanya ang kaibigan. "She is part of the conference," tugon niya sa asawa na huminto pa sa paglalakad nang makita si Lira, kaya naman nauna ng pumasok si Lira sa entrance ng hotel dahil nga napahinto sila ng asawa. "Part? Why?" Tanong ni Amanda sa kanya. "Si Dra. Lira ang isa sa mga doktor na nag volunteer para magbigay ng libreng konsulta sa mga kababayan nating buntis," paliwanag niya sa asawa. "So, you mean from the start alam mong kasama siya dito sa Baguio?" Taas kilay na tanong na naman nito. "Yes, Amanda. Alam ko," tugon niya sa asawa. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, Kian?" "Importante pa ba iyon sa iyo Amanda?" Balik tanong niya sa asawa na karar

