Nakita niyang umigting ang panga ni Kian habang titig na titih ito sa kanya. Hindi naman ito mukhang nagulat sa confession niya rito, para ngang inaasahan na nito iyon o sadyang sanay na lang ito sa confession rito ng ibat-ibang mga babae. Hindi na siya magtataka kung maraming babae ang umaamim ng feelings para kay Kian, worth it naman kasi ang umamin rito, kahit na mapahiya ka pa. Well, Governor Kian Herrera is Governor Kian Herrera. "I know that," tugon sa kanya ni Kian makalipas ang ilang sandali. Ngumiti naman siya rito at nagtaas ng mukha. Kinakabahan siya at kumakabog ang kanyang dibdib. Napakabilis din ng t***k ng kanyang puso, pero hindi niya iyon pinahahalata kay Kian. Ayaw niyang makahalata ito na may matindi itong epekto sa kanya, dapat iyung chill lang siya at mukhang confide