Matapos nilang makapag paalam sa mga kaibigan ni Kian agad na rin silang umalis nito sa bar. Halos hindi nga siya makatingin sa mga kaibigan ni Kian kanina nang magpaalam sila sa mga ito, kahit papano kase nahihiya siya sa nangyari. Lalo na't narinig niyang pinapa delete ni Kian ang ano mang nakuhanan sa VIP room na pinanggalingan nila kanina. Nanghinayang nga siya kung pwede lang makahingi muna siya ng kopya bago i delete. Nais niyang makita kung ano nga ba ang mga ginawa nila kanina ni Kian. Masyado kasi siyang nadala sa mga pangyayari at parang magic ang bawat eksena kanina, kaya nais niyang mapanood iyon kung sakali man. Iyon nga lang hindi pa niya ka close o kakilala talaga ang may ari ng bar na si Akio, kaya nakakahiya naman kung basta na lang niyang hingin rito ang copy ng CCTV. Per