Pagdating sa bahay naunang bumaba sa kanya si Kian, buong akala nga niya tuloy-tuloy na ito sa pagpasok sa loob ng bahay at iiwan siya sa sasakyan dahil nga galit ito sa kanya. Pero nagkamali siya dahil pinagbuksan siya ng asawa ng pintuan at inalalayan pa palabas ng sasakyan. Kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para mapukaw ang atensyon sa kanya ng asawa at mabawasan man lang ang galit nito sa nagawa niyang pagsisinungaling. "Ahhh..." tili niya nang sadya siyang magpatapilok habang naglalakad sila ng asawa papasok sa loob ng bahay. Pumukaw pa ang malakas niyang pagtili sa mga tauhan ng asawa na nakakalat sa buong bakuran. Napatingin halos ang mga ito sa kanila ni Kian "Amanda," nag-aalalang tawag sa kanya ng asawa na mabilis naman siyang nahawakan sa bewang at pinulupot

