KABANATA 35

1325 Words

Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa. Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD