It’s been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss! Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya. Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty. Gano’n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito? Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga pani