CHAPTER 28 "THE EXES" "What?" Tinaliman ko nang tingin si Charles habang nag-dadrive, ang tanda niya na pero ang hilig niya pa ring makipaglaro. I know he's up to something! He's trying to play him! Baka akalain niya na may namamagitan saamin nitong loko na 'to. "Gaga ka bakit mo sinabi kay Noah 'yon?" Paghampas ko sa kaniya. Bigla naman siyang napangisi dahil sa sinabi ko. "Why?" He asked and smiled playfully. "Love mo lang ulit eh." Bigla namang nanlaki ang mata ko at hinampas ang braso niya. Kahit kailan 'to ang lakas mang-asar. Palibhasa bagsak din ang love life niya kaya ako pinagkakadiskitahan. And me? To Noah? Baka lagnatin siya niyan. "Ewan ko sa 'yo, isa ka pang bitter, porket deadma sa 'yo si Michelle," Pagkasabi ko n'on ay bigla akong tumawa ng malakas nang ikinasimangot