CHAPTER 29 "THE EXES BAGGAGE" Bigla akong nagulat nang humampas ang ulo ko sa mesa sa sobrang antok. Sa isang iglap ay nawala ang antok ko at nabuhayan ang diwa ko. Agad akong napahimas sa noo ko at napaayos ng upo. Napakusot pa ako ng mata dahil hindi mapigilan ng mata ko bumagsak. Simula kagabi ay napagdesisyonan kong hindi na umuwi, dumiretso ako kagabi sa opisina ko dahil kailangan kong tapusin ang pinapagawa saakin ni Noah. Gusto ko din may pagkaabalahan dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung masyado ba ako naging harsh but...it was the first time he chased me...again. Naguguluhan ang isip ko ngayon sa totoo lang, hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ako o hindi ba talaga ako nawala sa kaniya. Pero pinipigilan ko namang mag assume dahil may girlfriend na siya. Kilala ko si