Naging eksklusibo ang kasal namin ni Arcel na ginanap sa garden ng bahay nila. Garden wedding ito at ang tema ay simple lang. Puro puti at peach ang theme ng kulay at masasabi kong tama lang ang simpleng ayos nito tutal sa garden lang naman nila idinaos. Saka na raw kami magbongga ng kasal kapag ikinasal na kami sa simbahan sa susunod na taon. Hindi pa man nagaganap ito ay excited na ang Mommy ko. Ang nais kasi niya ay para raw akong prinsesa kapag ikinasal dahil ito ang pangarap niya sa akin kapag kinasal ako. Parang mala-Princess Diana ang theme na gusto niya na sinang-ayunan ko na lang tutal gusto ko rin naman maranasan na maging prinsesa kahit man lang sa araw ng aking kasal. "Happy?" tanong ni Arcel sa akin nang mapagsolo na kami. Gabi na. Nag-uwian na ang ilang bisita namin at kaunt