"A-Arcel…" "Hmn…bakit?" Nilingon ko si Malaya na alanganin na ngumiti sa akin. Ako naman ay marahang bumuntong-hininga at ginagap ang palad niya. Naglalakad kami patungo sa parking lot ng hapong ito. Pauwi na kami sa bahay ng mga magulang ko at parehong matamlay ang pakiramdam namin ni Malaya na uuwi. "S-suspended ka…paano na 'yan?" I heaved a sigh again. Mahirap din sa akin ang naging desisyon ni Lolo. Pero ano'ng magagawa ko? Kailangan kong sundin ang desisyon nila dahil naging fair lang naman sila sa naging desisyon nila. Pagkatapos nang nangyaring eskandalo ng nakaraan ay kaagad na kumalat ang tsismis tungkol sa aming dalawa ni Malaya. Marami ang lumabas na espekulasyon lalo na at marami rin ang nakasaksi sa sagutan namin ni Elvira. Lumabas mula sa aking bibig ang katotohanan a