Pinasundo nga ako ni Percy sa driver niya. Pagkatapos kong magpaalam kay Mommy na may bibilhin lang ako saglit sa bookstore ay saka ako lumabas ng bahay at dali-dali na sumakay sa kotseng sumundo sa akin. Hindi pa ako nakakarating sa office ni Percy, first time ko ito at na-e-excite ako kung anong itsura ng pinagtatrabahuhan niya. Katulad ba ito ng kumpanya ng angkan ni Daddy? Minsan ipinasyal na rin ako ni Daddy sa building na pagmamay-ari nina Lolo at Lola. Sobrang taas no'n at nakakalula. Ang daming floor at ang daming nagtatrabaho sa bawat department. I know my boyfriend is rich. Galing ito sa buena familia at minsan nakakaramdam ako ng panliliit. He is successful in his career. Businessman tapos professor pa siya sa Stallion University, samantalang ako, wala pang napapatunayan sa b