I texted Kara that I will not go to school today. Wala siyang subject sa akin para sa araw na 'to at wala rin ako klase na tuturuan. This is my day off from teaching. MWF lang ang klase ko sa Stallion University at sasamantalahin ko ang araw na 'to para matapos lahat ng trabaho ko sa opisina ni Vincent. Tambak ang iniwan na trabaho roon sa akin ng assistant niya nang nakaraan. Hindi ko na natatapos kaagad ang mga trabaho ko dahil sinisingit ko si Kara sa schedules ko. Being her boyfriend is very complicated. Complicated because we are hiding our relationship. Minsan nga, naisip ko na mag-resign na lang sa pagtuturo at mag-concentrate sa pagiging CEO ng mga negosyo ni Vincent. Pero hindi ko naman kayang talikuran ang pagtuturo dahil isa ito sa pangarap ko noon. Narito ang passion ko at na