"P-Percy, huwag…" pakiusap ko kay Percy habang sige siya ng halik sa leeg ko. Pero hindi niya ako pinapakinggan at sige lang siya sa paghalik at paghimas sa dibdib ko. I am not comfortable with what he is doing. Hindi pa kami lumalampas sa ganito kahit naghalikan na kami noon. Hindi na kasi naulit ang halikan na nangyari dito noon kahit madalas na magkita kami rito tuwing hapon. Kwentuhan lang kasi ang ginagawa namin, kakain at ilang oras na tatambay dito saka uuwi sa kanya-kanyang bahay. Ayos naman ako sa ganitong set up as long as nagkakaintindihan kami. Hindi naman ako naghahangad pa ng kung ano basta ba ako lang ang babae sa buhay niya at siya lang ang lalaki sa buhay ko. Tiwala sa isa't isa ang kailangan namin para lumago at tumagal pa ang relasyon namin kaya natutuwa ako na may t