One week na ang relationships namin ni Kara at masasabi kong smooth ang takbo ng relasyon namin. Estudyante ko siya kapag nasa university kami at girlfriend ko naman siya kapag nasa labas na kami ng school ground. We keep it a secret. We prayed that no one would discover our relationship. Lagot kaming pareho kapag may nakatuklas ng aming sikreto. Maingat kami kapag nasa school kami ni Kara, we act as if we didn't care about each other. Mas safe ang ganito dahil kapag nasa labas naman kami ng university ay doon namin sinusulit ang oras para kami ay magkasama. "What are you doing, my love? I miss you." I sent a text to Kara. Narito ako sa faculty office at nagmi-meeting kami saglit ng mga co-teachers ko. Iilan lang naman kami kaya rito na namin naisip na mag-meeting. Kasama ko nga pala an