"M-Mommy…huwag na po kaya tayong tumuloy? Hindi naman po magbabago ang pasya ni Arcel kahit magpunta tayo roon," sabi ko kay Mommy nang magpasya na silang tumulak na kami nina Daddy patungo sa bahay ng mga Villafuerte. Papunta pa lang kami sa garahe at nahuhuli kami sa paglalakad. Kanina nang kinausap ako ni Daddy na pupunta kami sa bahay ng mga magulang ni Arcel ay hindi ko nagawa ng magprotesta dahil bukod sa wala sa mood si Daddy ay parang mainit pa ang ulo niya dahil pabalang siyang nagsabi sa akin habang masama ang tingin sa akin. Bakit yata napaaga? Nakiusap ako na huwag muna dahil hindi pa ako handa. Pero bakit ura-urada naman? Ayaw ko talagang pumunta roon at magharap-harap kami. Mabubuko ako nina Daddy at Mommy na nagsisinungaling. Hindi ko alam kung ano pang kasinungalingan an