Nakatitig ako kay Zaria habang mabagal kaming sumasayaw sa saliw ng musika na pumapailanlang sa speaker. Sweet ang kanta ngunit nagmukhang bitter ito dahil sa layo ng distansiya namin sa isa't isa. Parang ayaw niyang madikit sa katawan ko at naglagay talaga siya ng espasyo sa gitna namin para hindi kami magkadikit. iAyos lang, kaysa naman iniwan niya ako sa gitna at hindi pinahintulutan na isayaw siya kanina. Akala ko talaga ay ipapahiya niya ako sa maraming tao kanina nang bigla niya akong talikuran. I am glad she didn't do that. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga taong narito lalo na at imbitado ang ilang professor na malapit sa pamilya nila, ang mga kamag-anak nila na siyang may-ari ng school at halos staff pa sila sa Stallion University, at ang mga kaklase niya na estudyante k