Nagsisisi ako kung bakit hindi ko hinarap si Cameron. Heto tuloy at hindi ko alam ang sadya niya sa akin. Kung makikipag-ayos ba siya o tuluyan na niyang sasabihin sa akin na kalimutan ko na siya at mag-move na ako sa kaniya. Ilang araw na lang ay ikakasal na siya. Ilang araw na lang ay tuluyan ng mawawala sa akin ang tanging lalaki na hinayaan kong makalapit sa akin at angkinin ako ng paulit. I love him…but I think we are not meant for each other. We are not meant for each other because he chose Anacleta over me. Binago niya ang tadhana namin dahil gusto niya akong iligtas sa baliw na babaeng iyon. Sana man lang tinanong niya kung gusto ko. Sana man lang tinanong niya ako kung kaya ko bang ipaglaban ang nadarama ko para sa kaniya. Dahil pipilitin ko naman na kayanin ang lahat ng pasakit