Sorry to keep you waiting guys...medyo naging busy lang sa isa kong story. I hope you're still waiting for me to continue this story...♥️ "Prof, balik na lang po ulit ako kapag handa na po si Zaria na harapin ako. For now, hahayaan ko po muna siyang makapag-isip-isip," malungkot na saad ko kay Professor Arcel nang ibalik ko ang atensyon ko sa kanya. Pasimple pa akong nagpunas ng aking mga luha dahil nasaktan ako ng sobra sa pagtalikod ni Zaria sa akin. I know I deserve more than this. Dapat sinampal din niya ako at pinagsalitaan ng masama. Pinagtabuyan at pinahiya. But she is not that kind of a girl. Pinalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang. Gusto ko siyang habulin at pigilan sa kanyang pagtalikod sa akin ngunit nahihiya naman ako kay Prof. Arcel na gumawa ng eksena rito sa bahay