Natulog ako buong maghapon at nagpapasalamat ako dahil wala sina Daddy at Mommy para kumprontahin ako kung bakit hanggang ngayon ay tulog ako at nagkukulong sa aking kwarto. Sabi ni Yaya, umalis daw sila at kasama ang Kuya Marcel ko na pare-parehong aligaga ang itsura. Gusto ko man magtanong kay Yaya kung bakit ngunit tinamad na akong alamin tutal malalaman ko rin naman kapag nagtanong ako sa kanila. Maybe may problema sa grades ni Kuya Marcel. But I don't think so. He is a genius and I know malabo ang iniisip ko. Or baka may nabuntis siyang babae kaya ganoon ang mga reaksyon ng mga mukha nila. But I don't think so either. Pihikan sa babae si Kuya Marcel kaya imposible na ito ang ang dahilan. Ah! Nevermind. Alam kong kaya nilang solusyunan kung ano mana ang prinoproblema nila. Ako, hindi