Kinalimutan ko ang nangyari sa akin nang gabing iyon. Pinilit ko na mas maging mabuti pang anak sa paningin ng mga magulang ko sa mga sumunod na araw. Wala silang nalaman na balita na nag-bar ako at dinala ng isang estranghero sa isang hotel. Pinilit kong wala silang malaman dahil hindi ko alam ang sasabihin kong paliwanag oras na malaman nila ang nangyari sa akin ng gabing iyon. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aaral at iba pang bagay para kalimutan iyon. Nag-aral ako ng mabuti para makakuha ng mas mataas pa na marka. Sinubsob ko ang atensyon ko sa pagbabasa ng mga aralin at libro. I need more distraction to forget that night. Kapag naalala ko ang gabing iyon kasama ang estrangherong iyon ay sobra akong naiiyak. I gave myself to that stranger na hindi ko man lang nalaman ang pangalan