Chapter Nadagdagan na naman ang bigat na nadarama ko sa aking dibdib nang makita ko nang gabing iyon ang lalaking maswerteng nakakuha ng aking perlas. Nagtataka nga si Kuya sa pagbabago ng mood ko nang makalabas kami ng fast food bitbit ang mga paborito naming pagkain. Sobrang saya ko habang papasok kami pero paglabas namin ay para akong naging zombie dahil nawalan ako ng sigla. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi siya nag-usisa. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya kung sakaling magtanong siya. Medyo nakakalimutan ko na nga ang nangyari sa akin dahil naging tutok ako sa pag-aaral at ibang bagay. Pero nang gabing iyon ay muling ipinamukha sa akin ng tadhana ang katangahang nagawa ko sa sarili ko. Nakakapag-move on na ako ng bahagya. Pero bakit iba magbiro ang tadhana? Nakak