Madaling-araw kaming umalis patungong Ilocos. Paidlip-idlip ako buong biyahe dahil wala naman akong maisip gawin sa halos six hours na biyahe namin. Gusto kong manood ng series sa ipad ko pero tinatamad naman ako dahil nakakahilong manood habang gumagalaw ang sasakyan. Gusto kong makinig ng music pero nalulungkot lang ako kapag may narinig akong malungkot na kanta. Kaya sa huli nagpasya na lang akong matulog at hintayin na lang na makarating kami ng Ilocos. Si Kuya Marcel na katabi ko rito sa likod ay tahimik lang habang may ginagawa sa kanyang laptop. Hindi ko alam kung ano iyon dahil hindi rin ako nag-abalang tingnan pa dahil nga nakakaramdam ako ng hilo. Kinakabahan na naman ako sa nararamdaman kong ito. Hindi ako mahiluin sa biyahe kahit gaano pa kalayo. Kaya nagtataka talaga ako dah