Nang sumunod na buwan ay malaki ang pinagbago ng mood ng aking katawan. Hindi ko na maintindihan ang tema ng katawan ko. Kaya naman nag-try akong mag-test ng pregnancy test para makasiguro ako sa aking kalagayan. Ayaw ko rin kasing mapahamak ang baby sa tiyan ko kung sakali kaya naman sinunod ko ang payo ni Kuya na mag-test sa pregnancy test. At hayun nga, nakakalungkot makita ang resulta ng pregnancy test ko dahil puro positive ang resulta nito. And at the same time may part din sa akin na natutuwa ako dahil may munting anghel sa loob ng tiyan ko. Sa pamamagitan ng mga pregnancy test na iyon ay dito ko na talaga nakumpirma na buntis ako kahit hindi ako magpa-check up sa doktor. Inaaya ako ni Kuya Marcel na pumunta ng clinic para magpa-check up. Ako itong umaayaw dahil baka biglang may