"B-bakit? Kung makita niya ang babae pananagutan ba niya?" garalgal ang boses na tanong ko kay Sol dahil sa pagpipigil ko ng iyak. Somehow gumaan iyong bigat na narito sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pero mahalaga pa bang mahanap niya ako? Ikakasal na siya at soon bubuo sila ng pamilya ng magiging asawa niya. Makakalimutan din niya ang tungkol sa akin lalo na at isang gabi lang naman iyon at hindi naman niya ako nakilala. "Hindi ko alam, Zaria. Wala siyang nabanggit." Nagkibit-balikat si Sol at ibinalik ang paningin sa harapan ng stage kung saan sumasayaw na ang magkasintahan habang kinukuhanan ng video at litrato. Ang sweet-sweet nilang tingnan pero bakit ako na nakatingin sa kanila ay nakakaramdam ng bitterness. Parang gusto ko silang paghiwalayin at ako ang papalit sa p