"f**k that woman! Ano pa ba'ng gusto niyang marinig sa akin? Ang ipagtabuyan ko pa siya paalis ng buhay ko? Sinabi ko ng off ang wedding at hindi na ito matutuloy kahit kailan. Bakit ba pilit pa rin niyang isinisiksik ang sarili niya sa akin?" Himutok ko habang nagmamaneho. Ayaw ko muna bumalik sa condo ko dahil baka naghihintay si Anacleta roon ngunit ayaw ko naman umuwi ng bahay ng mga magulang ko dahil baka naroon na siya at nakabalik. Isa pa ayaw ko nang umuwi roon talaga dahil hindi pa bumabalik ng America sina Daddy at Mommy. Kahit sinabi ko na sa kanila nang nakaraan na hindi ko na itutuloy ang kasal namin ni Anacleta ay alam kong pipilitin pa rin nila akong ituloy dahil kay Chaser. Kaya naman sana dumating na ang resulta ng DNA test naming dalawa. Gusto ko na talagang kumawala sa