Chapter 158. "Let's go to my place," aya ko kay Zaria. Nakasakay kami sa kotse ko at paalis na sa lugar na pinuntahan namin. Galing kami sa isang restaurant at kumain ng tanghalian. Sabado ngayon at niyakag ko siyang lumabas para makapag-usap naman kami na hindi namin need alalahanin ang iniisip ng mga tao sa aming paligid. Sa school kasi hanggang tingin lang ako sa malayo sa kanya. Hindi naman ako makuntento sa text lang kaya naisip kong mag-date kami ngayon. Wala pang level ang aming relasyon. Mutual understanding pa lang ngunit sapat na ito para sa akin sa ngayon. Hindi ako nagmamadali na maging opisyal na nobya ko si Zaria. Alam kong hindi rin siya papayag lalo na at hanggang ngayon ay hinihintay ko pa ang resulta ng DNA test namin ni Chaser. Kung ano man ang maging resulta ay maluw