Masigla ang pakiramdam ko na pumasok sa eskwelahan. Parang inspired akong mag-aral ngayon lalo na at first subject ko si Cameron. Dati iiwas-iwas ako, ngayon ay excited na akong pumasok sa klase niya. Wala pa man kasiguraduhan na magiging maayos ang lahat sa amin sa susunod na mga araw. Umaasa naman ako na maayos ito agad lalo na ang gusot sa pagitan ng fiancee niya bago kami magkaroon ng relasyon. Kahit papaano ay nakakita ako ng pag-asa na one day magiging isang pamilya kami at magkakaroon na ng kikilalaning ama si Zayron. Sana nga malaman na niya ang totoo, kung totoong anak ba niya iyong anak nila ni Anacleta o hindi. Para kasing nag-aalangan pa rin ako na buksan ang puso ko sa kanya kapag ganitong malaman ko na anak niya iyon. Tanggap ko naman na may anak siya sa iba ngunit matatang