Wala ako sa sarili nang makauwi ako sa bahay ng mga magulang ko. Lutang ang isip ko sa mga naganap sa amin ni Cameron sa condo niya. Ang sarap ng ginawa namin at pakiramdam ko nasa cloud nine ako at palutang-lutang. Hindi lang isang beses niya akong ginalaw. Nakatatlo siya at sobrang bilib ako sa stamina niya dahil hindi man lang siya nagpahinga. Ako ang napagod sa kaniya, kaya heto at hinang-hina ako. Mabuti nga at nagawa ko pang umibis ng sasakyan niya na hindi nabubuwal. Gusto niyang ihatid ako hanggang sa bahay namin ngunit tumanggi ako dahil hindi pa ako handa na makilala siya ng mga magulang ko. Hindi pa ngayon ang tamang panahon dahil may gusot pa siyang dapat ayusin. Makikipaghiwalay pa siya kay Anacleta at ipapa-DNA test pa niya ang anak na pinaako nito sa kanya. Masayang-masaya