Sabi nga nila, hindi biro ang pag-aasawa. Hindi ito kaning isusubo na kapag napaso ka ay bigla mong iluluwa. Well, sa kaso namin ni Kara, hindi ako kailanman nagsisi na siya ang inibig ko at pinakasalan. Sa lahat ng heartaches na naranasan ko noon, sa kanya pala ako sasaya ng ganito. Oo, mayroon din kaming mga hindi pagkakaunawaan minsan. Nagkakatampuhan at nag-aaway kami, ngunit hindi ko akalain na after thirty years of being together, ganito pa rin ako ka-in love sa kanya. Na kung ano'ng nadarama ko sa kanya noong una ko siyang minahal ay ganito pa rin ang nadarama ko sa kanya hanggang ngayon. Walang nagbago at parang in love na in love pa rin ako sa aking asawa at ganoon din siya. Biniyayaan kami ng Diyos ng isa pang anak pagkatapos maipanganak ni Kara ang panganay naming si Arcelus