Heart beats fast…color and promises… Mabagal akong nagpalakad papasok ng pintuan ng simbahan nang marinig ko ang unang lyrics ng kanta na napili namin ni Percy. Actually, he chose this one. Hindi ko alam kung bakit ito ang napili niyang kanta. Pero na-realize ko na baka ang content ng kanta ang nagustuhan niya. Parang bagay sa aming love story ang kanta na napili niya para sa aming kasal. How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall… Tama, para sa kanya nga ang kanta na 'to. Takot siyang magmahal muli noon dahil sa mga heartaches na naranasan niya sa past relationships niya. Kadalasan, babae ang nanloko sa kanya na ewan ko ba kung bakit nila ito nagawa sa kanya. Siguro dahil sobrang bait niya, sobrang maalaga o baka naman kasi ang pagiging possessive niya ang ayaw ng mga b