Inot-inot akong umalis sa ibabaw ng kama habang marahan ang bawat kilos ko. Ayaw kong maramdaman ni Sir Arcel ang bawat galaw ko dahil gusto kong umalis dito bago pa siya magising. Ayaw kong datnan pa niya ako rito dahil wala akong mukhang ihaharap sa kanya pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at ipapaliwanag na hindi lang dare ang nagtulak sa akin para may mangyari sa amin. Ang alam kasi niya dare pa rin ang nagtulak sa akin para ipain ang katawan ko at manalo sa pustahan ang sorority group na may pakana nito. Pero ang hindi niya alam, sarili ko rin iyong kagustuhan dahil sa nararamdaman kong kakaiba sa kanya. Kung dahil sa gusto ko ba siya o dahil nag-iinit lang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung alin sa dalawa, pero ang alam ko magkahalo a